“TALAMBUHAY KO”
![]() |
AKO |
Ako nga pala si John Carlos
T. Roales. Ako ay labing-apat na taong gulang. Ako ay nag-aaral sa Cool. Lauro
D. Dizon Memorial National High School. Ako ay nakatira sa 075 Schetelig Avenue
San Pablo City, Laguna. Ako ay ipinanganak noong July 23, 1997. Hay! Tama na
nga itong pagpapakilala parang bata ay! Isinulat ko ito upang ikwento ang buhay
ko habang ako’y nag-aaral simula nursery hanggang sa maging grade 6 na ko. Ngayon
handa ko nang simulan ang aking pagkakasayang buhay habang ako’y nag-aaral.
![]() |
Nursery |
![]() |
first day of school |
First day ng akin pagpasok sa
school, bago pa man ako pumasok sa school dapat picture picture muna! Ako ay
pumapasok sa Grand East noong ako’y nursery pa lang. Masiglang masigla ako
noong ako’y papasok. Masaya ako noong nursery kasi madaming experiment tapos
sobrang tahimik sa school naming. Ang gusto ko pa doon sa school naming ay may
mga part sa aming klase na naglalaro lang kami pero syempre may natutunan pa
din kami habang kami ay naglalaro sa klase kasi parte na din ata yun ng aming
pag-aaral naming dun. May naaalala pa ko mumg nursery pa ko nagkacrush agad ako
dun sa isa naming kaklase at kami pa nung kaibigan ko ang nagkagusto sa babaing
iyon. Nag-aagawan kami doon sa katabi nung upuan nag-aaway pa nga kami dahil
dun eh kaya nga ang sarap sarap balikan nung ako’y nursery. Kapag naaalala ko
yung mga ala-ala ko nung ako’y nursery napapatawa na lang ako sa isang tabi
kasi naman ang sarap sarap balikan nung mga ito. Ang pangalan nga pala nung
kaibigan ko na kaagaw ko sa kaklase naming ay Amiel. Siya ang aking kababata
nakakasama ko pa din siya hanggang ngayon lagi ko siyang nakakasama kapag ako’y
nagsisimba tuwing lingo. Ako nga pala ay 2nd honor noong nursery at
ang nagfirst ay ang aking kababata na si Amiel. Mukang hanggang dito na lang
ang makwekwento sa ngayon tungkol sa buhay ko nung ako’y nursery.
![]() |
Graduation |
Kinder, Hmmmm. . . . wala na kong
masyadong natatandaan noong ako’y kinder pa lang. Wala naming masyadong
memorable nung ako’y kinder pa lang eh. Hay. . . . pipilitin ko na lang na
makaisip ng mga ikwekwento ko. Hindi ko na talaga tanda kung ano pangalan ng
school naming dati pero alam kung nasaan ito, ito ay nasa likod lamang nang
simbahan diyan sa plaza alam ko naming alam mu nay un kung saan yun. Ang tawag
nga pala naming dun sa teacher naming ay Ma’am Divine. Ako ang pinakapaborito
nung estudyante hindi ko lang alam kung bakit basta alam ko ako ang paborito
niya. Napakamahiyain ko pa nung panahong yun kasi napakabata ko pa nung
panahong yun. Naalala ko pa nung nagprapraktis kami nung sayaw pinapaihi na
kami pero hindi ako umihi kasi nahihiya ako nung panahong yun. Pagkatapos nang
ilang oras napaihi na ko sa aking short. Nakakahiya yun kung alam niyo lang.
Naghintay na lang ako ng pagkakatagal tagal sa labas ng school namin hanggang
dumating na ang aking sundo hiyang hiya ako nung panahong yun. Ibang topic
naman nahihiya na ko’y hahaha, alam niyo 1st dapat ako nung kinder
hindi lang ako nakatula kasi ganun ulit nahiya nanaman ako hahaha! Pero sa
lahat lahat Masaya ang naging buhay ko nung kinder. Mukang hanggang ditto na
lang ulit ang aking makwekwento tungkol sa buhay ko nung kinder.
Grade 1, yahoo! Elementary na ko!
Sigurado may bago na kong kaklase! Sigurado panibagong buhay nanaman ito! Panibagong
kwento nanaman para sa inyo pero feeling ko nung panahong ito magagaslaw na
kaklase lang ang makikita ko pero nagkamali pala ako hindi naman pala mababait
din naman pala sila pasaway nga lang. Ang isa sa pinakagusto ko nung grade 1
lagi kaming naglalaro tuwing recess ng “sikyo” ito ay para lang ding habul
habulan na may dalawang grupo sa larong ito meron tinatawag na base. Ito yung
pinupuntahan ng mga manlalaro para hindi sila mataya. Syempre hindi ba mawawala
ang pagkakaroon ng crush kahit grade 1 pa lang nursery nga nagkaroon na ko ng
crush grade 1 pa kaya! At ang pangalang ng crush ko ay ennnggkkk….. Secret ko
nay un noh! Akin na lang yun hindi ko na kailangan sabihin yun hahaha! Ako nga
pala ay a\nagsecond honor ulit nun akalain mu yun nagsecond pa ko eh ang
inaatupag ko lang naman ay laro, laro, laro, laro at higit sa lahat laro!
Hahahaha! At ang nagfirst ay yung crush ko syempre magaling yun eh! Halimaw din
yun eh. Hanggang ditto na lang ulit ang akking makwekwento tungkol sa pagiging
grade 1 ko.

Grade 3, Hay! Isang panibagong
kwento nanaman! At grade 3 naman malapit na ko matapos ! yehey! Pero tinatamad
na talaga ako ng todo! Grade3! Anu meron sa grade 3? Ang meron sa grade 3
science na subject ang pagkaka ayaw kong subject at meron pang makabayan puro
saulohin nakakasura laang ay. Ang pangalan ng teacher naming noong grade3 ay si
Ma’am Carandang na ngayo’y nasa Canada na hindi ko lang alam kung saan sa
Canada. Si Ma’am Carandang isang napakabait na teacher pero syempre may
katarayan din hindi naman yun nawawala sa mga teacher ay. Napaasquat na din ako
nung grade 3 kasi napagbintangan akong nangbabato dun sa bubong katabi ng
school namin nakakaawa lang ako nun ha ha ha ha! Napasquat ako ng wala sa oras
pero ayos lang yon para experience na din ha ha ha ha! Naaalala ko yung isa
kong kaklase nung grade 3 ang basa sa bird ay board! Ha ha ha ha! Nakakatawa.
First time ko nga pa la dun makapasok sa oral sa MTAP na laban pero lang din
kami ha ha ha ha! Ako nga ay pang 3rd pa din nung grade 3 syempre
dapat consistent ha ha ha at ang nag 1st ay secret mahahalata na ko
nyan ha ha ha ha. Naging kaklase ko nga pa la dito si Jesusa Castillo na
kasalukuyang kaklase ko ngayon.
Grade 4, Malapit na ko matapos sa
talambuhay ko ito ! sayang na pera ko
kakagawa ng talambuhay na ito . Grade 4 na tayo malapit na maging kuya ng
lahat. Ang teacher naming noong grade 4 ako ay si Ma’am Lea Decano himala noh!
Alam ko pangalan ng teacher namin nung grade 4 pa ko nanay siya nang isa kong
kaklse si Jarod R. Decano isa sa mga kaibigan ko. Nung grade 4 ako lagi akong
very good kay Ma’am kasi laging linis sakin yung banyo namin sa rum ang sipag
sipag ko nung panahong yun pero ngayon ibang usapan na yan ha ha ha. Nung grade
4 medyo uso na ang dayaan sa test mga marurunong ng mandaya at isa ko dun pero
tinigil ko agad yun mabait kasi ako ha ha ha ha. Sa huli pang 3rd
ulit ako syempre! masipag eh hahaha. At nag 1st ay secret ulit
mahahalata na talaga ako eh hahaha. Mukang hanggang dito na lang ulit ang
makwekwento tungkol sa buhay ko nung grade 4.
Grade 5, Ayan nasa grade 5 na tayo
malapit na tayo matapos sa talambuhay ko. Grade 5 nung unang day ang ginawa ko
agad ay nagsando ako tapos yun pinagalitan agad ako n gaming mataray na teacher
ha ha ha ha si Ma’am Reyna nakakatakot yun tapos teacher pa sa pinakaayaw kong
subjet ang science hooo!!! Scary kakatakot baka bumagsak ako ay. . . . Alam
niyo ba na nung grade 5 ako nakalaban ko ang 1st honor naming ngayong 2nd year si
Mary Jean A. Olazo aakalain niyo ba nilampaso lang niya ko sa larangan ng math
nglaban kami sa math rathon walo kaming naglalaban laban si Mary Jean ay nag 1st
samantalang ako ay 2nd 2nd
sa huli ! Ha ha ha! Wala akong kalaban
laban noon ay pero ngayon naman! Ha ha ha ha. Masaya ang buhay ko nung grade 5
tsaka akalain niyo naging gf ko yung crush ko pero puppy love lang naman iyon
hindi naman totoong pag-ibig yon pero sabagay hanggang ngayon puppy love pa din
ang uso ha ha ha ha! Ilang lingo lang ang umabot sa amin kasi nga puppy love
lang yun at pasikret sikret lang yun ni hindi nga kami makapagusap nung kami pa
ha ha ha ha. Pang 3rd pa din ako nung grade 5 consistent kasi ako ha
ha ha ha at ang 1st honor ay si Arabelle F. Culaban kilala yun ni
Alvin kaklase niya yun nung 1st year eh. Hanggang dito na lang ulit
itong kwento ko tungkol sa buhay ko nung grade 5.
![]() |
Grade 6 |
Grade 6, Yan matatapos na talaga ang
aking ginawang talambuhay isa na lang! Grade 6 na graduating na kami dito
excited na kami dito magiging high school na kami at magiging ganap na binata
na ko! Ha ha ha ha! Sa grade 6 ng feefeeling binata at dalaga na kami sa
panahong ito uso na ang ligawan sa kaliwa’t kanan puro nagliligawan na kaya
lang dahil dito nauso na din ang pagrereview sa oras ng test! Gets? Ang ibig
kong sabihin ay nauso na ang pagbubuklat ng notes ng patago o pandadaya habang
nagtetest. Madadaya yung mga kaklase kong yun lagi na laang nagpapalit ng sagot
tuwing test yung iba ko naming kaklase tinatakot nila na pagsumbong sila
bubugbugin sila hay parang bata lang talaga bullying din tawag dun di ba? Pero
sa tingin ko bullying nga tawag dun kasi parang tinatakot na nila yung mga
kaklase ko. Ang gusto lagi nung mga yung lagi silang pinapagaya ng mga sagot
tuwing test at lagi pa silang nang gagaya ng ass. sa anumang subject mga tamad
kasi yung mga yun mga walang utak mga manggagaya mga tamad ha ha ha ha ha! Ang
dami kong nasabi ay nakakaasar nga naman kasi yung mga kaklase kong yun ako’y
naaawa na dun sa iba kong mga kaklase na tinatakot nung mga yun ay halos wala
nang mapayapang araw yung mga kaklase kong tinatakot nung mga tamad kong
kaklase eh. Hindi ko lang sila magantihan dahil napakadami nila kong sila’y
lalabanan ko ako’y mabubugbog laang kapag pumatol pa ko sa mga ulul na mga yun.
Sarap ng pakiramdam ko nung sila’y mahuli na nanggagaya at ang maganda sunod
sunod pa silang nahuling nanggagaya sa kaklase kong pagkakasipag naman masyado
sundo sunod din silang naparusahan pinaglinis sila, pinasquat sila, pinagsorry
sila dun sa mga inaapi nili, at pinatawag na din yung mga magulang nila kaya
sarap sa pakiramdam na mapaparusahan nna sila ng hindi naming ginagalaw o
pinapakeelaman. Pagkatapos nun nagbago na sila at naging mapayapa na yung rum
nmin for the very first time ha ha ha ha! Ako nga pa la ay pang 3rd
ulit sa ranking namin at ang nag 1st ulit ay si Arabelle F. Culaban.
Hanggang dito na lang aking makwekwento tungkol sa buhay ko nung grade 6.
Dito na natatapos ang aking
talambuhay sana ay nagustohan niyo ang pagbabasa ng aking talambuhay.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento