Hanapan ang Blog na Ito

Linggo, Marso 4, 2012

“Time Machine”


“Time Machine”
            Itong kwentong ito ay tungkol sa pagbabago ng ating mga teknolohiya. Makikita mo sa kwentong ito yung mga pagbabago sa ating mga teknolohiya at yung mga epektong pwedeng mangyari dahil sa mga pagbabago n gating mga teknolohiya. Dito niyo makikita ang mga bagong ugali ng mga tao sa makabagong panahon.

            Itong kwentong ito ay tungkol sa isang mayamang bata na mahilig makielam ng mga gamit ng kanyang masipag na tatay. Ang pangalan ng batang aking tinutukoy ay Nicholas pero ang tawag ng mga kaklase at ng kanyang tatay sa kanya ay Nicko. Siya ay may batang kapatid na babae at ang pangalan ng kapatid ay Nica. Ang kanilang nanay ay namatay dahil sa aksidente. Apat na taong gulang pa lang si Nicko ng mamatay ang kanyang nanay. Ang pangalan ng kanyang nanay ay Nessy na namatay dahil sa siya’y nabangga ng isang kotse. Ang tatay ni Nicko ay isang imbentor ng mga kung anu anong bagay bagay na mapapakinabangan. Ang pangalan ng kanyang tatay ay Nick. Sila ay naninirahan doon sa may kagubatan sa may San Pablo City, Laguna kaya hidi sila masyadong kilala kahit na napakadami ng nagawang bagay ng tatay ni Nicko.

Nicko
Si Nicko ay madalas tamadin sa kanilang bahay dahil nga nasa kagubatan sila at wala silang kapitbahay kaya tuwing siya’y tatamadin ay pinapakielaman niya ang mga naiembento ng kanyang tatay hanggang sa isang araw may nakita si Nicko na kakaiba sa bodega ng kanyang tatay hindi niya alam kung ang kanyang nakita kaya ang ginawa niya pinagpipindot niya yung mga buton dun sa kanyang nakitang bagay at nang nagtagal parang may kakaiba siyang naramdaman at parang kakaiba na ang kanyang paligid puro makina ang kanyang nakikita kaya tumingi siya sa labas ng kanilang bahay at imbis na puno ang kanyang Makita ang nakita pa niya ay kung anu-anong high-tech na bagay. Bumalik siya sa bodega ng kanilang bahay  at tiningnan muli niya yung bagay na nakita niya at tiningnan niya itong mabuti  at nalaman niyang isang time machine pala ang kanyang nakitang bagay. Nilibot nu\iya ang kanilang malaking bahay at puro mga high-tech na bagay ang kanyang nakikita at sa kanyang paglilibot sa bahay nakita niya ang kanyang sarili na malaki na at nagiimbento na din ng mga kung anu anong bagay at nalaman din niya na ang kanyang sarili ang gumawa ng mga high-tech na bagay na nakikita sa kanilang bahay. Nang Makita siya ng kanyang sarili at siya’y tinitigan ng mabuti dahil parang may naaalala siya sa muka ni Nicko nang bigla niyang naalala na siya siya nga pala yun nung siya’y bata pa. Agad na tinanong ng matandang Nicko si Nicko kung paano siya nakapunta sa panahon ng matandang Nicko at agad naming nagsabi ng totoo si Nicko at sinabi niyang may napakielaman siyang time machine at may napindot siya ditto at bigla na lang napunta sa makabagong panahon. Tinanong nung matandang Nicko kung nasaan yung time machine na napakielaman ni Nicko at pagkapunta nila dun sa bodega ng kanilang bahay ay wala na silang nakitang time machine. Kinabahan agad si Nicko dahil baka hindi siya makabalik sa kanyang panahon nang bigla niyang naisip na magpagawa na lang sa makabagong Nicko. Agad na mang pumayag ang makabagong sarili na gumawa ng time ng time machine at agad na siyang gumawa ng time machine at habang gumagawa ang kanyang makabagong sarili siya ay naglibut libot muna sa labas ng kanilang bahay.


Sa paglilibot ni Nicko sa labas ng kanilang bahay kung anu-anong high-tech na bagay ang kanyang nakita. Nakakita siya ng tatlong uri ng makabagong cell phone. Nakakita siya ng cell phone na naka lagay na lang sa kamay kaya hindi kana mahihirapan na lagging kunin pa ito sa bulsa mo pero napansin niyang naging tamad masyado ang mga tao dahil sa cell phone na ito. Meron pang isang cell phone na high-tech at ito yung cell phone na nasa baril. Kaya daw sa baril na nakalagay sa baril ay para kung may mangyari man na masama meron kang pang self defense at makakatawag ka agad sa pulis pero napansin ni Nicko na ginagamit lang lagi ito ng mga sindikato para sa kanilang pagnananakaw, pagpatay, pagkidnap, pagcarnap at marami pang iba. Ito yung pang huli niyang nakita na uri na cell phone at sa tingin niya ito din yung pinakanakakatulong kasi wala din itong masamang epekto yung cell phone na ito ay yung may projector. Ito yung nagustuhan ni Nicko kasi nakita niyang nakakatulong ito dun sa mga estudyanteng nag-aaral dun sa mga paaralan. Sa kanyang paglilibo’t bigla na lang umulan at nakita niya na pati pala payong ay naging high-tech na din. May nakita siyang dalawang uri ng high-tech na paying. May nakita siyang isang payong na halos balutin na ang iyong buong muka ang tawag dito ay numbrella pero dito siguradong hindi ka mababasa ng ulan. At yung isa pang payong na nakita niya ay may TV na din pero sa totoo lang hindi naman masyado ito nakakatulong ito ay isa lamang libangan ng mga tao. May nakita siyang dalawang uri ng high-tech na damit. May nakita siyang damit na umiilaw at napasarap sa mata nitong damit na ito pero wala naming masyadong naitutulong itong damit na ito talagang pamorma lamang ang nagagawa nitong damit na ito. At may damit pang may instant ipod na sa loob sobrang nagustuhan ni Nicko itong damit na ito kasi mahilig siya sa music pero nung makikinig na siya ng music hindi niya nagustuhan ang kanyang nakinig na musika at naaalala niyang nasa makabagong panahon siya kay hindi niya nagustuhan ang kanyang musikang nakinig. May nakita din siyang sapatos na may pak pak ito sobrang nakatulong sa mga tao sa panahong iyon pero ito din ang naging dahilan kung bakit nagiging mas tamad ang mga tao sa panahong iyon pero masa matimbang naman ang mga naitutulong ng sapatos na ito.  At ng siya’y nagtagal sa paglilibot nakita niyang mga robot na ang naglilinis ng mga paligid sobrang nakatulong ito sa kapaligiran at sa mga tao pero hindi ito masyadong nagustuhan ni Nicko dahil naging mga iresponsable na yung mga tao wala nang masyadong ginagawa yung mga tao doon sa panahon nila At may nakilala siyang isang lumang robot ang pangalan niya ay e-bot. Si e-bot ay parang isang tao din pero siya ay tinapon na ng mga tao sa panahong iyon. Nakasama ni Nicko si e-bot sa kanyang paglilibot sa kanilang barangay kinuwento ni e-bot kung bakit siya tinapon lamang ng mga tao sa panahong iyon sinabi niya tinpon siya ng mga tao dahil sa mga bagong robot na ginagawa lamang tama d ang tao sa panahong iyon. Sinama na ni Nicko si e-bot sa kanilang bahay at ng Makita ito ng makabagong Nicko naaalala agad niya na si e-bot ang kanyang pinakaunang naging robot sa kanyang buhay. Agad na niyakap ng makabagong Nicko si e-bot dahil matagal na talagang hinahanap ng makabagong Nicko si e-bot. Tinuring ng makabagong Nicko si e-bot bilang anak niya. Nawala si e-bot sa makabagong Nicko dahil sa isang bagyong dumating at nagabaha sa kanila dahil nga wala ng punong natira sa panahon ng makabagong Nicko. Nagpasalamat ang makabagong Nicko kay Nicko dahil sa pagkakabalik niya kay e –bot sa kanya. Naghahanda na si Nicko sa pagbalik niya sa kanyang panahon dala dala ang kanyang mga natutunan at mga nakita sa makabagong panahon sa pagpapaalam niya sa makabagong Nicko at kay e-bot binigyan si Nicko ng Makabagong Nicko ng isang robot at pinangalangan din niya ito ng e-bot at bigla niyang naisip na ito pala talaga ang kanyang future.

E-bot
Sa pagbabalik ni Nicko sa kanyang panahon kinuwento agad niya ang mga nangyari sa kanyang tatay at kapatid. Kinuwento ni Nicko ang bagay na nakita niya na bagay sa mkabagong panahon at sinabi niyang dapat na iembento ng kanyang ama aya dapat puro makakatulong lamang sa mga tao hindi yung mga bagay na makakapinsala pa sa ugali ng mga tao. Pinakilala naman ni Nicko si e-bot sa kanyang kapatid at kinuwento niya kung paano niya nakilala si e-bot. Pagkatapos nitong lahat naging matanda na din si Nicko at naging imbentor na din siya tulad ng kanyang ama at ganun din ang nangyari sa kanya tulad ng nangyari dun sa makabagong Nicko at ditto na din nagtatapos ang aking kwento.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento