Hanapan ang Blog na Ito

Biyernes, Marso 9, 2012

“TALAMBUHAY KO”


“TALAMBUHAY KO”

AKO
            Ako nga pala si John Carlos T. Roales. Ako ay labing-apat na taong gulang. Ako ay nag-aaral sa Cool. Lauro D. Dizon Memorial National High School. Ako ay nakatira sa 075 Schetelig Avenue San Pablo City, Laguna. Ako ay ipinanganak noong July 23, 1997. Hay! Tama na nga itong pagpapakilala parang bata ay! Isinulat ko ito upang ikwento ang buhay ko habang ako’y nag-aaral simula nursery hanggang sa maging grade 6 na ko. Ngayon handa ko nang simulan ang aking pagkakasayang buhay habang ako’y nag-aaral.

Nursery
first day of school
            First day ng akin pagpasok sa school, bago pa man ako pumasok sa school dapat picture picture muna! Ako ay pumapasok sa Grand East noong ako’y nursery pa lang. Masiglang masigla ako noong ako’y papasok. Masaya ako noong nursery kasi madaming experiment tapos sobrang tahimik sa school naming. Ang gusto ko pa doon sa school naming ay may mga part sa aming klase na naglalaro lang kami pero syempre may natutunan pa din kami habang kami ay naglalaro sa klase kasi parte na din ata yun ng aming pag-aaral naming dun. May naaalala pa ko mumg nursery pa ko nagkacrush agad ako dun sa isa naming kaklase at kami pa nung kaibigan ko ang nagkagusto sa babaing iyon. Nag-aagawan kami doon sa katabi nung upuan nag-aaway pa nga kami dahil dun eh kaya nga ang sarap sarap balikan nung ako’y nursery. Kapag naaalala ko yung mga ala-ala ko nung ako’y nursery napapatawa na lang ako sa isang tabi kasi naman ang sarap sarap balikan nung mga ito. Ang pangalan nga pala nung kaibigan ko na kaagaw ko sa kaklase naming ay Amiel. Siya ang aking kababata nakakasama ko pa din siya hanggang ngayon lagi ko siyang nakakasama kapag ako’y nagsisimba tuwing lingo. Ako nga pala ay 2nd honor noong nursery at ang nagfirst ay ang aking kababata na si Amiel. Mukang hanggang dito na lang ang makwekwento sa ngayon tungkol sa buhay ko nung ako’y nursery.

Graduation
            Kinder, Hmmmm. . . . wala na kong masyadong natatandaan noong ako’y kinder pa lang. Wala naming masyadong memorable nung ako’y kinder pa lang eh. Hay. . . . pipilitin ko na lang na makaisip ng mga ikwekwento ko. Hindi ko na talaga tanda kung ano pangalan ng school naming dati pero alam kung nasaan ito, ito ay nasa likod lamang nang simbahan diyan sa plaza alam ko naming alam mu nay un kung saan yun. Ang tawag nga pala naming dun sa teacher naming ay Ma’am Divine. Ako ang pinakapaborito nung estudyante hindi ko lang alam kung bakit basta alam ko ako ang paborito niya. Napakamahiyain ko pa nung panahong yun kasi napakabata ko pa nung panahong yun. Naalala ko pa nung nagprapraktis kami nung sayaw pinapaihi na kami pero hindi ako umihi kasi nahihiya ako nung panahong yun. Pagkatapos nang ilang oras napaihi na ko sa aking short. Nakakahiya yun kung alam niyo lang. Naghintay na lang ako ng pagkakatagal tagal sa labas ng school namin hanggang dumating na ang aking sundo hiyang hiya ako nung panahong yun. Ibang topic naman nahihiya na ko’y hahaha, alam niyo 1st dapat ako nung kinder hindi lang ako nakatula kasi ganun ulit nahiya nanaman ako hahaha! Pero sa lahat lahat Masaya ang naging buhay ko nung kinder. Mukang hanggang ditto na lang ulit ang aking makwekwento tungkol sa buhay ko nung kinder.

            Grade 1, yahoo! Elementary na ko! Sigurado may bago na kong kaklase! Sigurado panibagong buhay nanaman ito! Panibagong kwento nanaman para sa inyo pero feeling ko nung panahong ito magagaslaw na kaklase lang ang makikita ko pero nagkamali pala ako hindi naman pala mababait din naman pala sila pasaway nga lang. Ang isa sa pinakagusto ko nung grade 1 lagi kaming naglalaro tuwing recess ng “sikyo” ito ay para lang ding habul habulan na may dalawang grupo sa larong ito meron tinatawag na base. Ito yung pinupuntahan ng mga manlalaro para hindi sila mataya. Syempre hindi ba mawawala ang pagkakaroon ng crush kahit grade 1 pa lang nursery nga nagkaroon na ko ng crush grade 1 pa kaya! At ang pangalang ng crush ko ay ennnggkkk….. Secret ko nay un noh! Akin na lang yun hindi ko na kailangan sabihin yun hahaha! Ako nga pala ay a\nagsecond honor ulit nun akalain mu yun nagsecond pa ko eh ang inaatupag ko lang naman ay laro, laro, laro, laro at higit sa lahat laro! Hahahaha! At ang nagfirst ay yung crush ko syempre magaling yun eh! Halimaw din yun eh. Hanggang ditto na lang ulit ang akking makwekwento tungkol sa pagiging grade 1 ko.

            Grade 2, Hay! Medyo tinatamad na ko magtype ah! Paiklian ko na lang ang kwento ko nung ako’y grade 2 tinatamad na ko ay madami pa din akong gagawin eh. Hmmm. . . . . pano ko kaya sisimulan ang kwento ko nung ako’y grade 2? Parang katulad lang din naman ito nung ako’y grade 1 ay pero may naaalala pa kong isa memory noong grade 2 ha ha ha ha! Nung grade 2 nga pala may nasipa ako nun sa puwet eh nasipa ko may pigsa pala! Ha ha ha ha! Ganito kasi yun wala kaming ginagawa nung panahong yun eh biglang nakita yung kaklase nakatuwad tapos ang ginawa ko sinipa ko yung puwit tapos biglang umiyak tapos bigla niyang sinabi na siya ay may pigsa hahaha kabado din ako nung panahong iyon eh. Ang ginawa nung kaklase ko dinala sa banyo isa kong kaklase sa banyo tapos hinugasan ata yung puwit nagdugo daw eh! Hahahaha. Tapos sabi nila isusumbong daw ako kay Ma’am lyn teacher naming kaya ako’y kabadong kabado pero hindi naman talaga ako sinumbong eh hahaha. Pero kung sinumbong naman ako wala yun! Malakas ako kay Ma’am eh! Hahahaha. Natapos ang isang taon at ako ay nagging pang 3rd lang hahaha. Nagkaroon na ng epekto ang aking paglalaro tuwing recess! Hahahaha. At syempre ang nagfirst pa din ay ang aking crush pero secret pa din ang pangalan niya! Hahaha. Hanggang dito na lang ulit ang aking kwento  tungkol sa buhay ko nung ako’y grade 2.

            Grade 3, Hay! Isang panibagong kwento nanaman! At grade 3 naman malapit na ko matapos ! yehey! Pero tinatamad na talaga ako ng todo! Grade3! Anu meron sa grade 3? Ang meron sa grade 3 science na subject ang pagkaka ayaw kong subject at meron pang makabayan puro saulohin nakakasura laang ay. Ang pangalan ng teacher naming noong grade3 ay si Ma’am Carandang na ngayo’y nasa Canada na hindi ko lang alam kung saan sa Canada. Si Ma’am Carandang isang napakabait na teacher pero syempre may katarayan din hindi naman yun nawawala sa mga teacher ay. Napaasquat na din ako nung grade 3 kasi napagbintangan akong nangbabato dun sa bubong katabi ng school namin nakakaawa lang ako nun ha ha ha ha! Napasquat ako ng wala sa oras pero ayos lang yon para experience na din ha ha ha ha! Naaalala ko yung isa kong kaklase nung grade 3 ang basa sa bird ay board! Ha ha ha ha! Nakakatawa. First time ko nga pa la dun makapasok sa oral sa MTAP na laban pero lang din kami ha ha ha ha! Ako nga ay pang 3rd pa din nung grade 3 syempre dapat consistent ha ha ha at ang nag 1st ay secret mahahalata na ko nyan ha ha ha ha. Naging kaklase ko nga pa la dito si Jesusa Castillo na kasalukuyang kaklase ko ngayon.

            Grade 4, Malapit na ko matapos sa talambuhay  ko ito ! sayang na pera ko kakagawa ng talambuhay na ito . Grade 4 na tayo malapit na maging kuya ng lahat. Ang teacher naming noong grade 4 ako ay si Ma’am Lea Decano himala noh! Alam ko pangalan ng teacher namin nung grade 4 pa ko nanay siya nang isa kong kaklse si Jarod R. Decano isa sa mga kaibigan ko. Nung grade 4 ako lagi akong very good kay Ma’am kasi laging linis sakin yung banyo namin sa rum ang sipag sipag ko nung panahong yun pero ngayon ibang usapan na yan ha ha ha. Nung grade 4 medyo uso na ang dayaan sa test mga marurunong ng mandaya at isa ko dun pero tinigil ko agad yun mabait kasi ako ha ha ha ha. Sa huli pang 3rd ulit ako syempre! masipag eh hahaha. At nag 1st ay secret ulit mahahalata na talaga ako eh hahaha. Mukang hanggang dito na lang ulit ang makwekwento tungkol sa buhay ko nung grade 4.

            Grade 5, Ayan nasa grade 5 na tayo malapit na tayo matapos sa talambuhay ko. Grade 5 nung unang day ang ginawa ko agad ay nagsando ako tapos yun pinagalitan agad ako n gaming mataray na teacher ha ha ha ha si Ma’am Reyna nakakatakot yun tapos teacher pa sa pinakaayaw kong subjet ang science hooo!!! Scary kakatakot baka bumagsak ako ay. . . . Alam niyo ba na nung grade 5 ako nakalaban ko ang 1st  honor naming ngayong 2nd year si Mary Jean A. Olazo aakalain niyo ba nilampaso lang niya ko sa larangan ng math nglaban kami sa math rathon walo kaming naglalaban laban si Mary Jean ay nag 1st samantalang ako ay 2nd  2nd sa  huli ! Ha ha ha! Wala akong kalaban laban noon ay pero ngayon naman! Ha ha ha ha. Masaya ang buhay ko nung grade 5 tsaka akalain niyo naging gf ko yung crush ko pero puppy love lang naman iyon hindi naman totoong pag-ibig yon pero sabagay hanggang ngayon puppy love pa din ang uso ha ha ha ha! Ilang lingo lang ang umabot sa amin kasi nga puppy love lang yun at pasikret sikret lang yun ni hindi nga kami makapagusap nung kami pa ha ha ha ha. Pang 3rd pa din ako nung grade 5 consistent kasi ako ha ha ha ha at ang 1st honor ay si Arabelle F. Culaban kilala yun ni Alvin kaklase niya yun nung 1st year eh. Hanggang dito na lang ulit itong kwento ko tungkol sa buhay ko nung grade 5.

Grade 6
            Grade 6, Yan matatapos na talaga ang aking ginawang talambuhay isa na lang! Grade 6 na graduating na kami dito excited na kami dito magiging high school na kami at magiging ganap na binata na ko! Ha ha ha ha! Sa grade 6 ng feefeeling binata at dalaga na kami sa panahong ito uso na ang ligawan sa kaliwa’t kanan puro nagliligawan na kaya lang dahil dito nauso na din ang pagrereview sa oras ng test! Gets? Ang ibig kong sabihin ay nauso na ang pagbubuklat ng notes ng patago o pandadaya habang nagtetest. Madadaya yung mga kaklase kong yun lagi na laang nagpapalit ng sagot tuwing test yung iba ko naming kaklase tinatakot nila na pagsumbong sila bubugbugin sila hay parang bata lang talaga bullying din tawag dun di ba? Pero sa tingin ko bullying nga tawag dun kasi parang tinatakot na nila yung mga kaklase ko. Ang gusto lagi nung mga yung lagi silang pinapagaya ng mga sagot tuwing test at lagi pa silang nang gagaya ng ass. sa anumang subject mga tamad kasi yung mga yun mga walang utak mga manggagaya mga tamad ha ha ha ha ha! Ang dami kong nasabi ay nakakaasar nga naman kasi yung mga kaklase kong yun ako’y naaawa na dun sa iba kong mga kaklase na tinatakot nung mga yun ay halos wala nang mapayapang araw yung mga kaklase kong tinatakot nung mga tamad kong kaklase eh. Hindi ko lang sila magantihan dahil napakadami nila kong sila’y lalabanan ko ako’y mabubugbog laang kapag pumatol pa ko sa mga ulul na mga yun. Sarap ng pakiramdam ko nung sila’y mahuli na nanggagaya at ang maganda sunod sunod pa silang nahuling nanggagaya sa kaklase kong pagkakasipag naman masyado sundo sunod din silang naparusahan pinaglinis sila, pinasquat sila, pinagsorry sila dun sa mga inaapi nili, at pinatawag na din yung mga magulang nila kaya sarap sa pakiramdam na mapaparusahan nna sila ng hindi naming ginagalaw o pinapakeelaman. Pagkatapos nun nagbago na sila at naging mapayapa na yung rum nmin for the very first time ha ha ha ha! Ako nga pa la ay pang 3rd ulit sa ranking namin at ang nag 1st ulit ay si Arabelle F. Culaban. Hanggang dito na lang aking makwekwento tungkol sa buhay ko nung grade 6.

            Dito na natatapos ang aking talambuhay sana ay nagustohan niyo ang pagbabasa ng aking talambuhay.


Linggo, Marso 4, 2012

“Time Machine”


“Time Machine”
            Itong kwentong ito ay tungkol sa pagbabago ng ating mga teknolohiya. Makikita mo sa kwentong ito yung mga pagbabago sa ating mga teknolohiya at yung mga epektong pwedeng mangyari dahil sa mga pagbabago n gating mga teknolohiya. Dito niyo makikita ang mga bagong ugali ng mga tao sa makabagong panahon.

            Itong kwentong ito ay tungkol sa isang mayamang bata na mahilig makielam ng mga gamit ng kanyang masipag na tatay. Ang pangalan ng batang aking tinutukoy ay Nicholas pero ang tawag ng mga kaklase at ng kanyang tatay sa kanya ay Nicko. Siya ay may batang kapatid na babae at ang pangalan ng kapatid ay Nica. Ang kanilang nanay ay namatay dahil sa aksidente. Apat na taong gulang pa lang si Nicko ng mamatay ang kanyang nanay. Ang pangalan ng kanyang nanay ay Nessy na namatay dahil sa siya’y nabangga ng isang kotse. Ang tatay ni Nicko ay isang imbentor ng mga kung anu anong bagay bagay na mapapakinabangan. Ang pangalan ng kanyang tatay ay Nick. Sila ay naninirahan doon sa may kagubatan sa may San Pablo City, Laguna kaya hidi sila masyadong kilala kahit na napakadami ng nagawang bagay ng tatay ni Nicko.

Nicko
Si Nicko ay madalas tamadin sa kanilang bahay dahil nga nasa kagubatan sila at wala silang kapitbahay kaya tuwing siya’y tatamadin ay pinapakielaman niya ang mga naiembento ng kanyang tatay hanggang sa isang araw may nakita si Nicko na kakaiba sa bodega ng kanyang tatay hindi niya alam kung ang kanyang nakita kaya ang ginawa niya pinagpipindot niya yung mga buton dun sa kanyang nakitang bagay at nang nagtagal parang may kakaiba siyang naramdaman at parang kakaiba na ang kanyang paligid puro makina ang kanyang nakikita kaya tumingi siya sa labas ng kanilang bahay at imbis na puno ang kanyang Makita ang nakita pa niya ay kung anu-anong high-tech na bagay. Bumalik siya sa bodega ng kanilang bahay  at tiningnan muli niya yung bagay na nakita niya at tiningnan niya itong mabuti  at nalaman niyang isang time machine pala ang kanyang nakitang bagay. Nilibot nu\iya ang kanilang malaking bahay at puro mga high-tech na bagay ang kanyang nakikita at sa kanyang paglilibot sa bahay nakita niya ang kanyang sarili na malaki na at nagiimbento na din ng mga kung anu anong bagay at nalaman din niya na ang kanyang sarili ang gumawa ng mga high-tech na bagay na nakikita sa kanilang bahay. Nang Makita siya ng kanyang sarili at siya’y tinitigan ng mabuti dahil parang may naaalala siya sa muka ni Nicko nang bigla niyang naalala na siya siya nga pala yun nung siya’y bata pa. Agad na tinanong ng matandang Nicko si Nicko kung paano siya nakapunta sa panahon ng matandang Nicko at agad naming nagsabi ng totoo si Nicko at sinabi niyang may napakielaman siyang time machine at may napindot siya ditto at bigla na lang napunta sa makabagong panahon. Tinanong nung matandang Nicko kung nasaan yung time machine na napakielaman ni Nicko at pagkapunta nila dun sa bodega ng kanilang bahay ay wala na silang nakitang time machine. Kinabahan agad si Nicko dahil baka hindi siya makabalik sa kanyang panahon nang bigla niyang naisip na magpagawa na lang sa makabagong Nicko. Agad na mang pumayag ang makabagong sarili na gumawa ng time ng time machine at agad na siyang gumawa ng time machine at habang gumagawa ang kanyang makabagong sarili siya ay naglibut libot muna sa labas ng kanilang bahay.


Sa paglilibot ni Nicko sa labas ng kanilang bahay kung anu-anong high-tech na bagay ang kanyang nakita. Nakakita siya ng tatlong uri ng makabagong cell phone. Nakakita siya ng cell phone na naka lagay na lang sa kamay kaya hindi kana mahihirapan na lagging kunin pa ito sa bulsa mo pero napansin niyang naging tamad masyado ang mga tao dahil sa cell phone na ito. Meron pang isang cell phone na high-tech at ito yung cell phone na nasa baril. Kaya daw sa baril na nakalagay sa baril ay para kung may mangyari man na masama meron kang pang self defense at makakatawag ka agad sa pulis pero napansin ni Nicko na ginagamit lang lagi ito ng mga sindikato para sa kanilang pagnananakaw, pagpatay, pagkidnap, pagcarnap at marami pang iba. Ito yung pang huli niyang nakita na uri na cell phone at sa tingin niya ito din yung pinakanakakatulong kasi wala din itong masamang epekto yung cell phone na ito ay yung may projector. Ito yung nagustuhan ni Nicko kasi nakita niyang nakakatulong ito dun sa mga estudyanteng nag-aaral dun sa mga paaralan. Sa kanyang paglilibo’t bigla na lang umulan at nakita niya na pati pala payong ay naging high-tech na din. May nakita siyang dalawang uri ng high-tech na paying. May nakita siyang isang payong na halos balutin na ang iyong buong muka ang tawag dito ay numbrella pero dito siguradong hindi ka mababasa ng ulan. At yung isa pang payong na nakita niya ay may TV na din pero sa totoo lang hindi naman masyado ito nakakatulong ito ay isa lamang libangan ng mga tao. May nakita siyang dalawang uri ng high-tech na damit. May nakita siyang damit na umiilaw at napasarap sa mata nitong damit na ito pero wala naming masyadong naitutulong itong damit na ito talagang pamorma lamang ang nagagawa nitong damit na ito. At may damit pang may instant ipod na sa loob sobrang nagustuhan ni Nicko itong damit na ito kasi mahilig siya sa music pero nung makikinig na siya ng music hindi niya nagustuhan ang kanyang nakinig na musika at naaalala niyang nasa makabagong panahon siya kay hindi niya nagustuhan ang kanyang musikang nakinig. May nakita din siyang sapatos na may pak pak ito sobrang nakatulong sa mga tao sa panahong iyon pero ito din ang naging dahilan kung bakit nagiging mas tamad ang mga tao sa panahong iyon pero masa matimbang naman ang mga naitutulong ng sapatos na ito.  At ng siya’y nagtagal sa paglilibot nakita niyang mga robot na ang naglilinis ng mga paligid sobrang nakatulong ito sa kapaligiran at sa mga tao pero hindi ito masyadong nagustuhan ni Nicko dahil naging mga iresponsable na yung mga tao wala nang masyadong ginagawa yung mga tao doon sa panahon nila At may nakilala siyang isang lumang robot ang pangalan niya ay e-bot. Si e-bot ay parang isang tao din pero siya ay tinapon na ng mga tao sa panahong iyon. Nakasama ni Nicko si e-bot sa kanyang paglilibot sa kanilang barangay kinuwento ni e-bot kung bakit siya tinapon lamang ng mga tao sa panahong iyon sinabi niya tinpon siya ng mga tao dahil sa mga bagong robot na ginagawa lamang tama d ang tao sa panahong iyon. Sinama na ni Nicko si e-bot sa kanilang bahay at ng Makita ito ng makabagong Nicko naaalala agad niya na si e-bot ang kanyang pinakaunang naging robot sa kanyang buhay. Agad na niyakap ng makabagong Nicko si e-bot dahil matagal na talagang hinahanap ng makabagong Nicko si e-bot. Tinuring ng makabagong Nicko si e-bot bilang anak niya. Nawala si e-bot sa makabagong Nicko dahil sa isang bagyong dumating at nagabaha sa kanila dahil nga wala ng punong natira sa panahon ng makabagong Nicko. Nagpasalamat ang makabagong Nicko kay Nicko dahil sa pagkakabalik niya kay e –bot sa kanya. Naghahanda na si Nicko sa pagbalik niya sa kanyang panahon dala dala ang kanyang mga natutunan at mga nakita sa makabagong panahon sa pagpapaalam niya sa makabagong Nicko at kay e-bot binigyan si Nicko ng Makabagong Nicko ng isang robot at pinangalangan din niya ito ng e-bot at bigla niyang naisip na ito pala talaga ang kanyang future.

E-bot
Sa pagbabalik ni Nicko sa kanyang panahon kinuwento agad niya ang mga nangyari sa kanyang tatay at kapatid. Kinuwento ni Nicko ang bagay na nakita niya na bagay sa mkabagong panahon at sinabi niyang dapat na iembento ng kanyang ama aya dapat puro makakatulong lamang sa mga tao hindi yung mga bagay na makakapinsala pa sa ugali ng mga tao. Pinakilala naman ni Nicko si e-bot sa kanyang kapatid at kinuwento niya kung paano niya nakilala si e-bot. Pagkatapos nitong lahat naging matanda na din si Nicko at naging imbentor na din siya tulad ng kanyang ama at ganun din ang nangyari sa kanya tulad ng nangyari dun sa makabagong Nicko at ditto na din nagtatapos ang aking kwento.